Ang Alamat kung Bakit Sinungaling ang Mga Lalake
Karpintero itong si Pedro at isang araw eh gumagawa siya ng isang
bahay sa tabi ng ilog. Sa lakas ng pagmamartilyo niya eh nalaglag
ang martilyo niya sa ilog.
Umiyak siya at lumitaw yung guardian angel niya, "Tutulungan kita, Pedro"
Sabay lundag sa ilog. Lumabas ito na me hawak na gold hammer, "Ito ba
ang martilyo mo?"...
"Hindi po."
Lundag uli ang anghel at lumitaw na me silver hammer, "Ito ba?"
"Hindi po."
Lundag uli sa ilog ang anghel at lumitaw na me ordinary hammer, "Ito ba?"
" Opo!"
Natuwa ang anghel.
"Dahil honest ka, bukod sa martilyo mo, sa 'yo na rin ang gold and
silver hammer!"
Makaraan ang ilang araw, naglalakad si Pedro sa ilog at kasama ang misis
niya. Eh sa katangahan, nalaglag si misis sa ilog. Iyak si Pedro. Litaw si
guardian angel.
"Tutulungan kita."
Sabay lundag sa ilog at ng lumitaw eh kasama si Diana Zubiri. "Ito ba ang
misis mo?"
Sagot si Pedro, "Opo!"
Nagalit si anghel, "Sinungaling ka. Akala ko pa naman eh mabait ka."
Nag-reason-out si Pedro, "Sorry po, angel... kasi kapag sinabi kong
'Hindi', eh lulundag ka uli sa tubig at paglitaw mo eh kasama mo si
Katrina Halili. At kapag sinabi ko uli na hindi siya ang asawa ko, eh
lulundag ka uli at ang tunay na misis ko na ang kasama mo. At dahil
sa kabaitan ko, eh ibibigay mo din sa akin sina Diana at Katrina.
Mahirap lang po ako at hindi ko kaya ang me tatlong asawa, kaya 'Yes'
na lang ang sinagot ko nung una."
MORAL OF THE STORY: Kaya lang naman nagsisinungalin ang mga lalaki eh
for a good and noble reason. ..

0 comments:
Post a Comment